Archive | news

May liwanag pa rin ang buhay

Ibinabahagi ni Evelyn David, isang solo parent kung paanong nakatulong ang mga programa ng DSWD sa kanilang pamumuhay at pagkakaroon ng muling liwanag ang kanilang buhay.

Ibinabahagi ni Evelyn David, isang solo parent kung paanong nakatulong ang mga programa ng DSWD sa kanilang pamumuhay at pagkakaroon ng muling liwanag ang kanilang buhay.

“Kaagapay ko ang Pantawid Pamilya at Sustainable Livelihood Program (SLP) sa mag-isang pagtataguyod ko sa aking anak,” said Evelyn David.

A solo parent for seven (7) years, Evelyn, 29, has single-handedly taken care of Jhaliyah Ashley, 7 years old, an incoming grade 2. “It was really hard for me then and I even thought of working abroad to support my child,” Evelyn added.

In 2013, Evelyn’s family was among the families of Victoria, Tarlac who were identified for the Set 6 of Pantawid Pamilya. And in May 2015, she availed of capital assistance under the SLP which she invested in “bigasan”. From her successful bigasan business, Evelyn now operates her own sari-sari store.

“Nakabili na rin ako ng 100 sq. meter lot mula sa kinikita ko sa bigasan at sari-sari store. Secured na rin ang kinabukasan ng anak at hindi ko na rin kailangang magtrabaho pa sa ibang bansa upang matustusan ang kanyang pag-aaral. Salamat sa tulong ng DSWD at nagkaroon ng liwanag ang aming buhay. ### (SMU)

Posted in newsComments (0)

Awa na sinamahan ng gawa

Ang pamilya Colliado habang kanilang ipinagbubunyi ang tagumpay na nakamit ng bawat-isa.

Ang pamilya Colliado habang kanilang ipinagbubunyi ang tagumpay na nakamit ng bawat-isa.

‘Nak pasensya na kayo sa tres, ‘yan ang laging bungad ni Ailyn Colliado, 41, ng 117 Crisanto Sanchez, San Jose City, Nueva Ecija, sa kanyang tatlong anak tuwing umaga bago sila pumasok sa eskwela.

Si Aileen ay naglayas sa kanilang probinsya nang siya ay 15 taong gulang pa lamang. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral, siya ay nagpalaboy-laboy, sa Cavite, sa Pangasinan, hanggang sa siya ay makarating sa Nueva Eija. Siya rin ay nalululong sa droga. Maraming taon siyang malayo sa kaniyang pamilya, maraming taon siyang nag-isa hanggang sa may nagmagandang loob at tumulong sa kaniya. Ito ang kanyang kahapon na hindi niya nais na danasin ng kanyang mga anak. Ganoon din ang nais ng kanyang asawa si Alexander, 37, namamasada ng motor ng iba (na may boundary). Ngunit kung minsan ang simpleng pagnanais ay ‘di sumasapat.

Pangamba, ‘yan ang nararamdaman nila tuwing titignan ang kanilang bahay na gawa sa sako ang ding-ding, at ang kanilang anak na panganay na si Alexandra na noon ay nasa unang baytang na ay hindi pa rin marunong magsulat.

“Sinabayan ko ang pagnanais na gumanda ang kinabukasan namin ng pagtitinda (ng bagoong) at paglalaba, at ‘pagtawag sa kanya’,” kwento ni Aileen. Taong 2011, nang ang kanilang pamilya ay mapasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Naging aktibong miyembro si Aileen, at kanyang pamilya. Siya ay naging Parent-Leader ng kanilang lugar at ‘di nagtagal ay ng buong San Jose. Hindi naglaon siya ay naging Barangay Health Worker, nakilala sa buong San Jose. At taong 2013, siya ay nagbakasaling hingin ang tiwala ng mga kabarangay niya at mahahal bilang Barangay Kagawad, na hindi naman nila pinagkait sa kaniya. Ngayon siya na ang nagkusang umalis sa programa; “nais kong nabigyan din ng pag-asa ang iba kung paanong ako ay nabigyan,” sambit ni Aileen. Bukod sa pagiging Kagawad siya rin ay hiniling ng mga kababayan niya na maging adviser ng Pantawid Pamilya sa lugar nila.

“Mas malaki ang puso ko para sa mahihirap, ako ang kanilang takbuhan. Gayunpaman, ayokong tinatawag nila akong Kagawad, gusto ko’y ‘Ate Aileen’ o kung ano lang ang nakasanayan nila ‘pagkat ayoko silang mailang sa akin,” wika ni Aileen.

Siya ay isa sa mga Pioneer Parent-Leader ng San Jose. At nang taong 2014, siya ay hinirang bilang Best (Cluster) Parent-Leader, na sinundan ng pagkakahirang niya bilang Most Supportive Barangay Official.

“Hindi kailanman man mababayaran ng pera ang lahat ng nakuha at natutunan ko sa Pantawid,” sabi ni Aileen. “At ang pinaka masarap sa lahat ay yung hindi nalang tres ang nabibigay ko sa aking mga anak, napaglalaanan ko na sila. At hindi na ako kakaba-kaba na dahil sa sako naming ding-ding sapagkat ngayon ang bahay namin ay sementado na ang kalahati at ang kalahati nama’y plywood na,” dagdag ni Aileen.

Mayroon na rin silang sariling motor, at nito lamang nakaraang Abril ay nagkamit ng Most Cooperative at Most Helpful Award ang kanilang panganay (Grade 6), at Top Two naman ang sumunod ditong Si Ailex (Grade 5), at ang bunso na si Mac (Grade 4) ay Top Two rin, Most Diligent at Most Obedient. At ngayong nalalapit na naman ang pasukan ay mas buo na ang loob ni Aileen na may magandang bukas na naghihintay sa kanyang mga anak—sa kanilang pamilya. ### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

DSWD FO III holds 1st ESGP-PA Ceremonial Rites

More than fifty 2016 graduates and graduating students, together with the NGAs’ regional directors and staff, and university/college presidents and staff, pose for a souvenir photo as they wear their smiles of feat.

More than fifty 2016 graduates and graduating students, together with the NGAs’ regional directors and staff, and university/college presidents and staff, pose for a souvenir photo as they wear their smiles of feat.

“The best way to show our gratitude to all the love and sacrifices… is to make the most out of it. Make a better place for the generation that follows us,” testified Alejandro Balgua, Cum Laude (Tarlac College of Agriculture), batch valedictorian during his valedictory address.

Alejandro Balgua is one of the 59 served scholars in Region who marched in the very 1st Expanded Students Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) Scholars Ceremonial Rites last May 5, 2016 at Walter Mart, City of San Fernando, Pampanga.

“But this month, we also would like to recognize not only the workers but the student laborers and their ever supportive parents who paid off our investment, pagkat ang kanilang iaalay na kaalaman, ay siya nating gagamitin sa patuloy pang pagpapaunlad ng bayan,” said Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) III Regional Director Gemma B. Gabuya in her opening remarks.
59 ESGP-PA scholars, alongside with their parents and Municipal Links marched their way to the stage to receive a certificate of recognition for serving as a living proof—a success story that bears the effectivity of the ESGP-PA.

The government, along with DSWD believes the youths are potential responsible partners in nation-building. That it is our responsibility to ensure that they are provided with proper facilities where they can gain better knowledge and understanding of life and society. So that in return, the continuous growth and success of our nation is assured.

“Naniniwala ako na maibabalik ko ito sa pamamagitan ng pagiging produktibo, responsable, at epektibong mamayan (I believe that I can give back [the government’s investment] by being a productive, responsible, and effective citizen),” said Ronald Melocotones, Cum Laude (Tarlac College of Agriculture), batch salutatorian.
ESGP-PA started last June 2012, through the effort of Commission on Higher Education (CHED), Department of Labor and Employment (DOLE), and DSWD, as Students Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (SGP-PA) having 94 pilot slots at Central Luzon State University, in the province of Nueva Ecija for the year 2012-2016. But then by the virtue of JMC 2014-01, in the year 2014, additional 2,170 slots were made available, and it was then called as Expanded Students Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) and also expanding its partnership with Department of Budget and Management (DBM) and the Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC), for the year 2014-2018.

The first batch of ESGP-PA grantees graduated last S.Y. 2015. Three (3) of them are already employed in DSWD FO III, the two are Social Welfare Assistants in the Province of Nueva Ecija (in Carranglan and Talugtug), and the other one is the Regional Information Officer of Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“To our graduates, sana hindi po ito ang tuldok sa inyong paghahanap ng katagumpayan (To our graduates, I hope that this would not be the end of your search for success),” concluding statement of Ms. Tomasa Lirio, Regional Program Coordinator of Pantawid Pamilya.### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

Ang Pangako ng Programa, at ni Mara

Si Mara, si Nanay Emelie, Si Tatay Edgardo habang sila’y naghihintay ng bisitang makakasalo sa pagdiriwang nila.

Si Mara, si Nanay Emelie, Si Tatay Edgardo habang sila’y naghihintay ng bisitang makakasalo sa pagdiriwang nila.

Pangako ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na putulin ang siklo ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmumuhunan o pagtataya sa edukasyon at kalusugan ng mga mahihirap na Pilipino.

Nanlalamig, nanlalambot, masaya—hindi alam kung anong mararamdaman, ganito ilarawan ni Nanay Emelie Bernardo, 48, maybahay ang kaniyang pakiramdan nang makumpirma niyang magtatapos ng may karangalang banggit, Cum Laude, ang kanilang panganay ni Tatay Edgardo Bernardo, 49, tubero, na si Mara Bernardo, 19 na may kursong Bachelor of Science in Agricultural Business Management sa Bulacan Agricultural State College.

“Uy congrats,” bati ng mga kapitbahay ni Nanay Emelie sa kanya ng minsang magkaroon ng meeting sa paaralan. “Saan?” buong pagtataka niya. “Kay Mara, ‘di ba Cum Laude s’ya?”

Hindi naman sa walang tiwala si Nanay Emelie sa anak, “hindi ko lang talaga akalain, dahil hindi ko nga noon lubos maisip na makakapagtapos siya ng kolehiyo, ‘pagkat kami’y mga ordinaryong tao lamang,” paliwanag ni Aling Emelie.

Parehong hanggang elementarya lang ang natapos ni Nanay Emelie at nang kanyang asawa. Kaya naman sinisigurado nilang matatanim sa isip ng kanilang mga anak—paulit-ulit niyang pinapaala na “mag-aral ng mabuti dahil walang yamang maipapamana sa inyo ang mga magulang ninyo kundi ang makatapos ng pag-aaral.”

Tulad ng karamihan ng mga magulang, ayaw na ni Nanay Emelie na matikman pa ng kanyang mga anak ang hirap na dinanas nila noon, na itawid ang almusal, tanghalian, at hapunan ng talbos o bunga ng kamote. Kaya naman lahat na ng pwedeng pagkakakitaan ay pinasok ni Tatay Edgardo. Kung walang nagpapagawa ng poso, gripo, o tubo ay makikita siyang namamasada gamit ang kanilang motor na ilang taon din nilang pinag-ipunan o ‘di kaya suma-sideline ng buy and sell ng mga tubo, o nag-aahente sa pag-aarkila ng reaper/harvester. Bukod sa sinisigurado niya ang kalusugan at kabutihan ng kanyang pamilya ay sinisigurado rin ni Nanay Emelie na hindi lang basta tatangayin ng hangin ang dugo at pawis ng kanyang asawa; nakaugalian na nila ang mag-ipon o magtabi ng pera na maaari nilang gamitin o madudukot sa oras ng pangangailangan— kung may magkakasakit o pangpa-enroll sa eskwela, na madalas nagiging dahilan ng pagkakababaon sa utang ng Pamilyang Pilipino.

Hindi lang basta Cum Laude, nabigyan din si Mara ng Loyalty Award, at tinanghal rin na Best Student ng kanilang buong kurso. Kaya naman sa labis na kagalakan, at sa udyok na rin ng mga kaibigan, “ang galing naman ng anak mo, dapat ‘yan pinaghahanda,” ay sinungkit na ng mag-asawa ang kanilang ipon ngayong taon upang ipagpasalamat ang karangalang inuwi ng kanilang anak. Maliit palang ang tatlong mga anak nina Nanay Emelie at Tatay Edgardo ay hindi na sila nakakaranas na kumain sa labas, mamasyal sa Mall. At hindi na rin nila iinintindi ang panggastos sa araw-araw dahil kaagapay nila ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program at panggastos ni Mara sa kolehiyo sapagkat inaalayan sila ng Expanded Students Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA). Tumutulong rin si Mara sa pamamagitan ng pagbebenta ng cellular load. Kaya naisip nilang hindi naman siguro bubukol ang minsang ilaan nila ang naipong pera sa isang makabuluhang araw sa buhay ng anak nila.

“Ang paniniwala ko ay yung ibibili mo ng luho ay itabi mo na lang para sa kinabukasan ng anak mo,” ‘yan ang naging panuntunan ni Nanay Emelie at ng kanyang mister upang masiguradong makakatulong sa pagtawid ng kanilang mga anak sa kaunlaran.

Labis ang pasasalamat ng buong pamilya sa Panginoon, sa programang Pantawid Pamilya, at sa bawat isa. “Hindi sapat ang mga salita upang ilarawan ang labis kong pagtanaw ng utang na loob bilang ESGP-PA grantee. Kaya naman pagsusumikapan kong gawin lahat upang magtagumpay at magkaroon ng masaganang buhay, hindi lang ako, kundi pati na ang buo kong pamilya,” ang pangako ni Mara.### (Andyleen C. Feje)

Posted in newsComments (0)

Natupad na Pangarap

Si alejandro Balgua, III, batch valedictorian sa kanyang talumpati sa okasyon ng ESGP-PA Scholars' Ceremonial Rites dito sa City of San Fernando, Pampanga.

Si alejandro Balgua, III, batch valedictorian sa kanyang talumpati sa okasyon ng ESGP-PA Scholars’ Ceremonial Rites dito sa City of San Fernando, Pampanga.

Pasasalamat para sa natupad na pangarap, ‘yan ang namutawi sa mga labi nina Alejandro Balgua, III, batch
valedictorian at Ronald Melocotones, batch Salutatorian, nang sila’y magbigay ng talumpati nitong nakaraang ESGP-PA Scholars’ Ceremonial Rites nitong Mayo 5, 2016, na ginanap sa Walter Mart, City of San Fernando, Pampanga.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga ahensyang s’yang nangunguna sa implementasyon ng Expanded Students Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation tulad ng Commission on Higher Education (CHED), Department of Budget and Management (DBM), sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III, at ng mga president, administrator, at staff ng lahat na partner Philippine Association of State Universities and Colleges sa Rehiyon III, at ang mga batang benepisyaryo ng ESGP-PA na nagtapos at magtatapos ngayong taong 2016, kasama ang kanilang mga mga magulang.###

Posted in newsComments (0)

Inspirasyon ko ang Pantawid Pamilya

“Kahit malaking hamon pa ang nakaatang na responsibilidad at tungkulin sa akin ay kaya ko na dahil katuwang ko ang Pantawid Pamilya,” ani Lucila Pablo ng Barangay Manacnac, Palayan City.

Bago napasali sa Pantawid Pamilya, ang pamilya Pablo ay salat sa maraming bagay. Ang pangunahing hanapbuhay ng pamilya ay pagsasaka at si Lucila naman ay nagtitinda ng kinulti at ice candy sa kanilang barangay. Ang asawa naman niya ay nakapasok sa isang meat processing company bilang driver ngunit hindi pa rin sapat ang kinikita nilang mag-asawa para tustusan ang mga pangailangan ng kanilang tatlong anak na ngayon ay nasa elementary at sekondarya, ani Lucila.

Nagsimulang gumanda ang takbo ng buhay nila ng mapabilang sa Programang Pantawid Pamilya noong taong 2011. “Nakatulong ang programa sa pag-aaral at kalusugan ng aking pamilya at naging daan ito upang mahubog ang aking kakayanan bilang isang parent leader sa pamamagitan ng mga ibat-ibang pagsasanay na aking dinadaluhan,” ani Lucila.

Ayon pa kay Lucila, naging inspirasyon din ang tiwala ng programa at suporta mula sa kanyang pamilya at naging daan ito upang lalo pa niyang matuklasan ang kanyang kakayanan sa pamumuno. Ang kakayanan sa larangan ng komunikasyon, pakikipag-ugnayan, pakikilahok sa ibat-ibang aktibidad at pakikisalamuha sa mga tao sa ibat-ibang antas sa lipunan ay nagtulak sa kanya upang ganap na mapaunlad ang kanyang sarili bilang mabuting pinuno. “Hindi pala hadlang kung ano man ang natapos mo sa pag-aaral at kung anong antas ang kinabibilangan mo sa lipunan upang makatulong sa kapwa benepisyaryo at maturuan din sila ng kaalaman na mayroon ako,” dagdag ni Lucila.

Si Lucila ay napabilang din sa Bottom up Budgeting (BUB) bilang signatory sa ilalim ng Local Government Unit (LGU) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Palayan City para sa patuloy na pagsusulong ng mga proyekto na makakatulong sa mga kapwa niya benepisyaryo. Nahalal din syang pangulo mula sa dinaluhang pagsasanay sa corn husk craft making ng Department of Agriculture (DA), at sa kasalukuyan ay bumubuo sila ng grupo para sa isang livelihood project. Si Lucila ay nahalal ding pangulo ng DSWD-Sustainable livelihood Program (SLP) sa kanilang lugar.

“Naniniwala ako na ang isang taong may positibong pananaw at pangarap sa buhay ay tiyak ang pagtatagumpay,” ang pangwakas na nasambit ni Lucila. ###

Posted in newsComments (0)

Puhunan sa pagbabago

Ako si Leonila Dela Cruz Santos ng Barangay Tagumpay, Gabaldon, Nueva Ecija, simpleng may bahay ni Carlos Rafael Santos at ina ng walong anak. Dala marahil ng maagang pag-aasawa at pagiging magulang, nagsimula kaming mag-asawa sa hirap at kawalan. Pinagyaman ang munting kubo na pinagkaloob sa amin at siyang nagsilbing tahanan sa gitna ng parang. At doon, nag-umpisa akong mangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa kung saan palalakihin ko at aalagaan ang aking mga anak.

Napakahirap ng buhay namin noon, araw-araw akong lumulusong sa bukid para kumita ng pera na siyang pambaon ng aking mga anak sa eskwelahan. Nakikipagtanim at nakikigapas ako ng palay at nagkakarpintero naman ang aking asawa. Subalit talagang kulang pa rin upang tustusan ang lahat ng gastusin ng aming mga anak. Ayoko naman na matulad sa amin ang aming mga anak na hindi nakapag- tapos ng pag-aaral at lalaki silang ang hanap buhay ay pakikigapas at pakikipagtanim ng palay sa bukid. Lagi kong ipinangangaral sa aking mga anak ang dulot ng pagsususmikap sa pag-aaral.

Hindi naging hadlang ang kahirapan sa kagustuhan kong makatapos ng pag-aaral ang aking mga anak at ito ang palagi kong dasal. Taong 2007, nakapagtapos ng sekondarya ang aking anak na panganay. Subalit nag-abot ulit ang dalawa ko pang anak sa sekondarya, kaya kinausap ko ang pangatlo kong anak na huminto muna siya sa pag-aaral upang makatapos ang mas matanda n’yang kapatid. Nalungkot ako sa desisyon na iyon lalo na nang makita kong pumatak ang mga luha n’ya. Isa siyang matalinong bata, lagi siyang top 1 sa kanilang klase kaya ng malaman ito ng isa naming kamag-anak kinausap n’ya ako at nagmungkahi na siya ang magpapa-aral sa aking anak at doon na rin siya titira habang siya ay nag-aaral.

Masakit man na malayo sa aking anak ay pumayag ako upang maipagpatuloy niya ang pag aaral. Samantala ang aking panganay naman noon ay namasukan bilang kasambahay na kung saan nakita ko ang kanyang hirap at sakripisyo para sa aming pamilya. Karaniwan sa kanyang kinikita noon ay napupunta na sa pambaon at gastusin ng kanyang mga kapatid sa eskwelahan. Kaya’t nang taong 2008 ay lakas loob akong nagdesisyon na pag-aralin siya sa kolehiyo. Nagpapasalamat ako dahil nakakuha din siya ng scholarship sa isang kongresista. Kasabay nang panahon na iyon ay kinuha ko na ang isa kong anak sa aming kamag-anak na nagpapaaral sa kanya upang kami na ang magpaaral. Nang panahong ‘yon may isa akong anak na nasa kolehiyo, dalawa ang sekondarya at dalawa ang nasa elementarya. Araw-araw akong nagdarasal sa Diyos na bigyan Niya ako ng sapat na lakas ng loob at malakas na katawan upang mapagtagumpayan na mapagtapos ko ang aking mga anak.

Sa kasagsagan ng pagsubok sa aking pamilya ay dumating ang DSWD sa aming buhay dala ang programang Pantawid Pamilyang Pilipino. Walang halong pagkahiya ay ipinagmalaki ko ang “bilang” ng aking mga anak at lahat sila ay nagsisispag-aral. Para sa akin, isang malaking biyaya ang pagkakasali ng aking pamilya sa programa ng gobyerno. Simula noon ay regular na akong nakakatanggap ng tulong pinansyal na s’yang ginagamit ko sa mga gastusin ng aking mga anak sa paaralan. Nakakapag-ipon pa ako ng pera para masustentuhan ang aking anak na nasa kolehiyo at natutustusan ilalaan ko na ang mga gastusin ng aking anak na nasa elementarya at sekondarya.

Lumipas ang ilang taon at nakatapos ang aking anak na panganay sa kolehiyo. Sa ilang buwan na paghihintay na resulta ng board exam, sumubok na pumasok ng trabaho sa pabrika at ang kinita n’ya ay ipinandagdag ko sa pang tustos sa mga mas nakababata n’yang mga kapatid sa pag-aaral. Ilang buwan pa ang lumipas, siya ay naging ganap na guro at ngayon ay permanent teacher na Macabaclay High School sa bayan ng Bongabon. Nitong nakaraang taon din ay nagtapos ang isa ko pang anak sa kolehiyo sa kursong Accountancy. Ang isa ko pang anak ay nakasama sa Expanded Students Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) at ngayon ay 2nd year na sa kursong Education sa Central Luzon State University. Sa ngayon, ako po ay isang aktibong Parent Leader sa Pantawid Pamilya at isa ding aktibong Barangay Health Worker.

Ako at aking pamilya ay lubos na nagpapasalamat sa naganap na pababago sa takbo ng aming buhay sa tulong ng Pantawid Pamilya. Nawa ay patuloy kaming gabayan ng Panginoon upang makamit ang aking mga pangarap na maitaguyod ang aking mga anak at ang pangarap din ng aking mga anak na magkaroon ng maayos na buhay sa hinaharap. Patuloy na nagsisikap ang aming pamilya upang maitaguyod ang pangarap ng bawat isa. Sadyang ang patuloy na pag-asa at tibay ng loob ay isang maituturing na puhunan. ###

Posted in newsComments (0)

Edukasyon, sagot sa kahirapan

“Sa wakas, lahat ng hirap na pinagdaanan namin ay unti-unti ng napawi,” ani Alicia Escultura, 52, benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Tuwing pagmamasdan ko ang ang mga gintong medalyang karangalan na nakamit ng aking mga anak ay napapawi ang hirap na naranasan ng aming pamilya, dagdag ni Alicia.

Taong 2009 ng lisanin ni Alicia at ang kanyang pamilya ang probinsiyang Bicol upang magbakasali ng magandang buhay sa lungsod ng Cabanatuan. Tanging damit at lakas ng loob ang baon nila sa pakikipagsapalaran. Pagdating sa lugar ay pinatira sila sa bahay ng nakakabatang kapatid binigyan pa sila ng tulong pinansyal para sa pag-aaral ng mga bata. Ang kanyang asawa ay na nakipasada sa kapitbahay upang matugunan ang mga pangangailangan nila sa araw-araw. May mga pagkakataon din na nakakahingi sila ng tulong sa mga malalapit na kamag-anak upang mapunan ang iba pang pangangailangan.

Bago matapos ang taon ay nagkaroon ng enumeration o house to house survey ang DSWD, ngunit wala silang tulong na natanggap. Lihim na pag-iyak ang naging katugunan ni Alicia sa hirap na kanilang nararanasan sa pagsisimula ng bagong buhay sa siyudad ngunit lubos pa din ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa magandang kalusugan ng bawat miyembrong kanyang pamilya.

Kuntento na sana si Alicia na sa kabila ng kahirapan ay kasama naman niya ang buong pamilya ngunit isang araw ay dumating ang kanyang kapatid na nagmamay-ari ng bahay at sinabing ipagbibili na niya ang kanyang bahay at humanap na sila ng ibang matitirhan. Parang gumuho ang kanyang mundo dahil sa kakapusan at hirap pa na matugunan kahit ang pangunahing pangagailangan kaya hindi nila kakayanin ang mangupahan. Nakadagdag pa dito ang biglang pagkakasakit ng kanyang asawa bunga ng sakit na hepatitis kaya kinailangan nito na huminto sa pagtatrabaho.

Nagdesisyon siya na mamasukan bilang tindera at kung minsan naman ay nakikilabada samantalang ang anak niyang panganay ang pumalit sa pamamasada ng tricycle. Panalangin at pananampalataya sa Diyos ang tanging sandigan ni Alicia sa panahong iyon.

Makalipas ang dalawang taon, lumabas ang resulta ng enumeration ng DSWD Listahanan at kasama ang kanyang pamilya sa napiling maging benepisyaryong Pantawid Pamilya. Sunod-sunod ang pagpapala nila sa pagdating ng programa. Nanalo bilang konsehal ng barangay ang kanyang asawa sa nakalipas na eleksyon at malaking tulong sa tagumpay na ito ang pakikisama sa mga kapwa miyembro sa programa.

Nagtapos ang kanyang mga anak na may karangalan: si Armando bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Nueva Ecija University of Science and Technology taong 2010 at valedictorian naman si Aldwin Paolo taong 2012 at Andrea Ladin taong 2015 sa Sumacab Este Elementary School. Samantala, nagtapos din si Abegail sa kursong Hotel and Restaurant Management sa Nueva Ecija University and Technology taong 2014, habang honor student naman si Aljon Antonio at Alysa sa nagdaang taon.

Bukod dito, nagkaroon din silang maliit na tindahan ng mga gulay, karne at isda para pagkakitaan. Masasabi ng matatag na nga ang kabuhayan ng pamilya dahil sa sipag, tiyaga, pagtutulungan ng bawat isa at malaking bahagi ng tagumpay na ito, ang tulong mula sa Pantawid Pamilya, kwento ni Alicia.

“Naniniwala ako na ang mga anak ang tunay na kayamanan ng magulang, at edukasyon ang sagot upang wakasan ang paulit-ulit na kahirapang maaaring ipamana sa mga susunod pang salinlahi. Lahat ng hirap na pinagdaanan namin ay parang bakas na lang nang lumipas. Isang malaking tagumpay ang pagkamit ng magandang edukasyon ng aming mga anak sa tulong ng ating Panginoon at sa Pantawid Pamilya. ###

Posted in newsComments (0)

Page 1 of 1712345...10...Last »
PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cuZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDEzLzA1L2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cuZm8zLmRzd2QuZ292LnBoPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzE8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZHNfcm90YXRlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FsdF9zdHlsZXNoZWV0PC9zdHJvbmc+IC0gbGlnaHRibHVlLmNzczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2F1dGhvcjwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0b19pbWc8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9jc3M8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19jdXN0b21fZmF2aWNvbjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cuZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXRfZW50cmllczwvc3Ryb25nPiAtIDY8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19mZWF0dXJlZF9jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIGZlYXR1cmVkPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy8zLWRzd2Rsb2dvX3dwLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX21hbnVhbDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9zdXBwb3J0L3RoZW1lLWRvY3VtZW50YXRpb24vZ2F6ZXR0ZS1lZGl0aW9uLzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3Jlc2l6ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG9ydG5hbWU8L3N0cm9uZz4gLSB3b288L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG93X2Nhcm91c2VsPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3Nob3dfdmlkZW88L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb191cGxvYWRzPC9zdHJvbmc+IC0gYToyOntpOjA7czo2MzoiaHR0cDovL3d3dy5mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy80LWZhdmljb24ucG5nIjtpOjE7czo2NzoiaHR0cDovL3d3dy5mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy8zLWRzd2Rsb2dvX3dwLnBuZyI7fTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3ZpZGVvX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gdmlkZW88L2xpPjwvdWw+