Keynote Message Taunang Pagtitipon ng mga Solo Parents sa Bulacan

DIR.  GEMMA B. GABUYA

Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Gng. Rowena J. Tiongson, pinuno ng Provincial  Social Welfare and Development Office (PSWDO), mga punong-bayan ng iba’t-ibang bayan sa Bulacan, Gng. Lucila Alcantara, pangulo ng Bulacan Provincial Federation ng Solo Parents, mga panauhin at mga kaibigan, isang magandang hapon sa inyong lahat.

Nandito ako sa inyong harapan bilang kinatawan ng aming kalihim, Corazon Juliano-Soliman at ako ay nagagalak na makasama kayong lahat sa masayang okasyong ito, ang taunang pagtitipon ng mga solo parents sa inyong lalawigan.

Ikinalulugod ko ring malaman na mayroon kayong pararangalan na mga “Natatanging Solo Parents.”  Ito ay isang magandang pagkukusa ng lokal na pamahalaan upang kilalanin ang kontribusyon ng mga solo parents sa kanilang mga pamayanan.

Marahil, ang pagiging isang magulang ang maituturing na pinakamahirap na gawain, lalo na kung nag-iisa ka lang na nagtataguyod sa iyong mga anak.

Ang pagiging isang “Nay-Tay” (Nanay na-Tatay) ay maituturing na puno ng mga hamon, pagtitiis, at sakripisyo. Ang isang solo parent ay kailangang magtrabaho nang husto upang maitaguyod, mapakain at mapag-aral ang kanyang mga anak. Kailangan din niyang maglaan ng sapat na oras upang makasama at magabayan ang kanyang mga anak, na mahirap gawin kung siya lang ang tanging naghahanapbuhay.

Ang DSWD, bilang isang ahensyang may mandato na protektahan, paglingkuran at palakasin ang kakayahan ng mga vulnerable at disadvantaged na sektor ng lipunan, kabilang na dito ang mga solo parents, ay patuloy sa pagmomonitor ng implementasyon ng RA 8972 o ng Solo Parents Welfare Act of 2000.

Kabilang sa mga initiatives ng Kagawaran ang pagbuo ng Special Review Committee (SRC) on RA 8972 na kinabibilangan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga non-government organizations na nagsusulong para sa kapakanan ng mga solo parents at kanilang mga anak.

Mahalagang aspeto ng implementasyon ng batas ang pagoorganisa sa mga solo parents upang mas madali silang mai-access sa mga serbisyo at programa ng pamahalaan.

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga local na pamahalaan sa pagsisigurado na ang lahat ng mga solo parents ay maorganisa upang makapag-avail sila sa mga serbisyo at programa.

Malaki ang bilang ng mga solo parents sa buong mundo. Ang demographics ng single parenting ay may malaking itinaas sa mga datos ng mga batang naninirahan sa single parent homes. At ayon sa isinagawang pag-aaral ng Department of Health at UP-National Institute for Health, mayroon tayong tinatayang 14-15% solo parents sa kabuuang 94 million Filipinos sa ating bansa.

Base naman sa resulta ng DSWD’s National Household Targeting System for Poverty Reduction 2001 survey, sa kabuuang 4.5 million mahihirap na Pamilyang kasali sa survey sa buong bansa, 380,996 o 9% ay solo parents at 113,900 ay mga lalake and 267,096 ay mga babae.

Ayon naman sa kauna-unahang assessment na ginawa ng DSWD Field Office III sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction noong 2009, may kabuuang bilang na 37,705 na mahihirap na solo parents sa buong Central Luzon. Ang lalawigan ng Bulacan ay may naitalang 11,717 o 31.07%  na mahirap na solo parents.

Maituturing na ang samahan ng mga solo parents dito sa Bulacan ang pinakamalaki at pinaka-organisadong grupo ng mga solo parents sa bilang na 40,000 miyembro.

Kapuri-puri ang pamahalaang Panglalawigan at ang PSWDO sa pagkakaroon ng programang “Sa iyong Pag-iisa, May Kaagapay Ka,” na patuloy na tumutulong sa libo-libong solo parents dito sa Bulacan. Isa kayong magandang halimbawa ng isang local na pamahalaan na tunay na nagmamalasakit at nagpupursigi upang mapabuti at mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan.

Kaisa ninyo ang DSWD sa patuloy na pagsuporta sa mga solo parents ng lalawigan. Katunayan, mayroon nang 120 solo parents dito sa Bulacan ang napahiram ng puhunan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng Kagawaran. Ang mga solo parents na ito ay kumikita na sa kanilang mga proyekto gaya ng handicraft at trade and commerce. May natulungan din tayong 20 solo parents na nasalanta ng kalamidad sa pamamagitan ng tulong pinansyal ng programang Emergency Shelter Assistance. Tatlumpung solo parents naman ang nabigyan ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Nakikiisa din kami sa inyong pagsusulong ng mga amendments o susog sa RA 8972 na napagtibay noong First National Convention of Solo Parents na ginanap sa Naga City noong Abril 25-26, 2014. Dumalo din ako sa nasabing pagtitipon at lumagda sa inyong mga inilatag na susog, kasama ng ibang mga pangulo ng iba’t-ibang organisasyon ng mga solo parents sa buong bansa.

Ang mga susog na ipinapanukala o isinusulong ng DSWD ay ang mga sumusunod: a) Iksian ang panahon o period mula sa isang taon sa anim buwan para maka avail ng serbisyo ang isang solo parent; b)kilalanin ang Muslim/Sharia Courts at indigenous peoples (IP) court decisions; isama ang adoptive parents/legal guardians/foster parents sa definition o kahulugan ng solo parent; magbigay din ng benepisyo sa mga contract of service at cost of service workers; isama rin sa amendments ang guidelines ng pag-proseso ng ID card at hindi lang sa Implementing  Rules and Regulations ng batas para sa solo parents.

Mapalad ang mga kawani ng DSWD dahil kinikilala ng ating Kalihim ang lahat ng solo parents at nakakamtan nila ang mga benepisyo na uukol sa kanila kahit ano man ang estado ng kanilang pagkahirang o appointment.

Tungkol naman sa panukala ng Special Review Committee na  magkaroon ng Solo Parents Week ito ay hindi pa idineklara. Isa pang panukala ng Committee ay ang pagkakaroon nang Solo Parents Database at Online Registration at ito ay isang malaking tulong upang malaman ang bilang ng mga solo parents na kabilang sa database.

Ang pag-aamyenda sa nasabing batas ay napapanahon na lalo’t dumarami ang bilang ng mga solo parents sa Pilipinas.

Ginagawa ng ating pamahalaan ang kanyang tungkulin upang matugunan ang inyong mga pangailangan. Subalit, ang inyong pakikihalok at suporta sa ating isisinusulong ay napakahalaga. Ito ang hamon na iniiwan ko sa inyo: alamin at isapuso ang batas para sa solo parents at kamtan ang mga benepisyo na nakasaad sa batas na para sa inyo.   Nais ko ring malaman, lahat ba ng solo parents na nandito ay may solo parent identification card na? Mahalaga ito dahil ito ang magsisilbing pasaporte ninyo sa pag-avail ng mga benepisyo.

Makakaasa kayo sa patuloy na pagsuporta ng Kagawaran sa mga programa para sa mga solo parents.

Muli, maraming salamat sa pag-imbita ninyo sa amin.

Mabuhay kayong lahat! ###

 

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1YS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8yPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yi5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1Yy5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9pbWFnZV80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8xMjV4MTI1ZC5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfYWRzZW5zZTwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9kaXNhYmxlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbS9hZHMvMzAweDI1MGEuanBnPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3RvcF9pbWFnZTwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cuZm8zLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDE3LzAzL2Jhbm5lcl9mbzMucG5nPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX3VybDwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8xPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMzwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF80PC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRzX3JvdGF0ZTwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRlZmF1bHQuY3NzPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYXV0aG9yPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVhdF9lbnRyaWVzPC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgbnVtYmVyOjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gU2VsZWN0IGEgY2F0ZWdvcnk6PC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl9pZDwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlZWRidXJuZXJfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZ29vZ2xlX2FuYWx5dGljczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzMuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC91cGxvYWRzLzIwMTcvMDMvcnN6X2ZpbmFsX2xvZ29fZHN3ZC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd192aWRlbzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2luZ2xlX2hlaWdodDwvc3Ryb25nPiAtIDE4MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV93aWR0aDwvc3Ryb25nPiAtIDI1MDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RhYnM8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3RoZW1lbmFtZTwvc3Ryb25nPiAtIEdhemV0dGU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb192aWRlb19jYXRlZ29yeTwvc3Ryb25nPiAtIFNlbGVjdCBhIGNhdGVnb3J5OjwvbGk+PC91bD4=